Tuesday, April 17, 2007

Ang nakaka-antok at mahabang pila sa meralco

woow
ang saya nang umaga ko
haha bukod sa 2 hrs lang tulog ko
nang makakatulog na ulit ako bigla akong ginising ng ermats ko
para magbayad sa meralco haha
dahil mapuputulan na kami
haha peros syempre kelangan sumunod dahil kung hindi
,hindi ako makakapag computer
mahirap yata yun eh hehe
kaya ayun dalidali akong bumangon at
sumakay ng dyip (EVER-IKOT) at nagtungo ako sa maralco dala-dala ang 1000 php haha





at pagdating ko anung saya ang aking nadatnan
andaming tao parang may party
at ang guwardya sigaw ng sigaw akala mo tuloy nagpapabingo

tapos ayun lumapit ako as guard at humingi ng numero
nakuha kong numero eh "1716"
napawow ako dahil ang numerong tinatawag eh "1300" pa lang

ampp!!! alam ko naman na hindi isa-isa ang pagtawag dahil ito ay sampu-sampu ngunit talagang matatagalan pa rin ako..

kaya nagtext muna ako sa aking mga CLAN MATES hehe at nakipagkwentuhan pero
talagang matagal at natuklasan kong hindi pa pala ako nag-aalmusal
kaya naglakad ako patungo sa building ng convergys at pumunta ako sa may mini stop doon


NAPa-awts ako dahil ang mahal ng bilihin at 40 pesos lang ang dala ko..pag bumili ako ala nakong pamasahe at pang load hehe.
pero hindi ako sumuko naghanap ako ng murang bilihin
ayun nga nakakakita ako ng zesto at presto creams bale magagastos ko lang is 12 pesos

pag punta ko sa counter biglang sabi nung maingay na kahero eh "BOSS, wala na ho kaming straw ng zesto okay lang ba?" AMP!!! sa isip isip ko kaya hindi na ko bumili at bumalik na lang ako sa meralco .


pagbalik ko "1600" na ang tinatawag so naghintay muna ako ng mga 30 minutes bago matawag ang numero ko
ang init pa dun grabe tapos may katabi pa akong mag-syota na magkayakap
naisip ko tuloy kong hindi ba sila lalong naiinitan sa ginagawa nila?hehe

tapos ayun sa wakas nakapasok na ako haha
pagpasok ko nagtetext pa rin ako kaso buwiset ung empleyado bigla akong tinapik sa balikat
at sabay sabing "BOss, bawal mag cellphone sa loob, sa labas ka muna kung importante!" DAMN!!! again ang naisip ko

mahaba pa ang pila tapos bawal magtext amppp

so naghintay ako dun at sa kamalas - malasan may nakatabi akong dalawang babae na UBOD NG INGAY..

asar nakakairita ung boses nila akala mo sila lang ang nandoon kung makapagkwentuhan at makapagtawanan dun asar talaga

buti na lang eh mabilis ung cashier kaya ayun nakapagbayad agad ako at nakauwi haha

ayun lang haha

*P.S. bad3p ung dyipney driver akala yata maiisahan ako 20 pesos pera ko 10 pesos lang sinukli imbes na 13 pesos sabihan ko nga hehe"

1 comment:

Jem said...

pa try alam ko ako rin nagsulat ng post na eto haha